Stranded sa bayan ng Romblon, Romblon ang mahigit 50 katao na patungo sanang Sibuyan Island, Romblon ito ay matapos na pagbawalan na ng Montenegro Shipping Lines ang kanilang bagrko na maglayag dahil sa banta ng bagyong #NinaPH.
Ang mga nasabing pasahero ay mga naiwan ng barko ng Navios Shipping Lines na biyahe sanang Cajidiocan kahapon ng hapon galing Batangas Port ngunit umalis umano ito 30 minuto bago ang schedule nito.
Pansamantalang papatuluyin sa terminal sa Romblon Port ang mga pasahero upang magpalipas ng bagyo.
Sa ngayon, normal parin ang operasyon ng ilang shipping lines hanggat wala pang storm warning signal sa lalawigan.