Dahil sa nakataas na public storm warning signal sa lalawigan ng Romblon, kinansela muna ng mga Shipping Company ang biyahe ng kanilang mga barko palabas at papasok ng probinsya.
Kasalukuyang nakadaong ang mga barko ng Montenegro Shipping Lines, 2Go Travel, at Navios Navigation sa Romblon Port sa bayan ng Romblon, Romblon para magtago sa malalakas na hanging dala ng bagyong #NinaPH.
ADVERTISEMENT
Patuloy naman ang pagbabantay ng mga kawani ng Philippine Coast Guard sa mga maliliit na bangka na mag pupumilit na bumiyahe.