Bilang bahagi ng pakikiisa ng Banton Municipal Police Station sa pakikipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kriminalidad, iligal na droga, at corruption; mas lalong pinaigting ang kompanya kontra droga ng Banton MPS sa island municipality ng Bantong, Romblon.
Mula October hanggang November, nagsagawa ng lectures ang pamunuan ng Banton MPS sa mga barangay ng nasabing bayan upang ipaliwanag ang Anti-Illegal Drugs Campaign ng PNP na Project Double Barrel.
Si Senior Police Officer II Gerardo Madalang ang nanguna sa pagtuturo sa mga nakiisa na barangay officials at residente ng bawat barangay na kanilang binibisita. Nitong October 9 to 14, at November 2 to 4, tinalakay rin ni PO2 Rodger Faminial ang topic na may kaugnayan sa Drug Abuse Awareness.
Sagot ito para malaman ng mga tao kung ano nga ba ang illegal drugs, drug addictions, shabum marijuana, cocaine, at iba pa.
Ibinahagi rin sa lecture kung ano ang masasamang epekto nitong mga iligal na droga na ito sa utak at katawan ng taong gumagamit.