Dinala na ng mga mangingisda ng Ferrol, Romblon ang kanilang mga bangka sa mataas na bahagi ng baybayin para iiwas sa malalakas na alon na dala ng bagyong Karen.
Sa ngayon, may kalakasan ng alon at pabugso bugsong pag ulan na may kasamang may kalakasang hangin ang nararanasan sa lugar.
Pinagbawalan na rin ng Coast Guard Station Romblon ang mga barko at bangka na maglayag paalis at papasok ng lalawigan upang maiwasan ang hagupit ni Karen.
Nag-abiso na rin sila sa mga mangingisda na huwag muna magpalaot para hindi ma disgrasya sa dagat.