Niyanig ng aabot sa Magnitude 2.2 na lindol ang ilang bayan sa lalawigan ng Romblon ngayong gabi.
Batay sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 021km ang layo ng sentro nito sa Banton Island.
Naramdaman ang pagyanig bandang 9:35 ngayong gabi ng October 23.
ADVERTISEMENT
May lalim ang sentro ng lindol na 6km.
Wala namang naiulat na pinsala ang lindol.