Sa darating na October 03-06, maari ng mag proseso at kumuha ng National Bureau of Investigation (NBI) Clearance ang mga Romblomanon sa Governor’s Office (Oct. 3-4) sa bayan ng Odiongan at sa Capitol Bldg. (Oct 5-6) naman sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.
Bahagi ito ng one-stop shop pre-employment services ng Public Employment Service Office (PESO) ng Romblon sa pangunguna ni Governor Eduardo Firmalo.
Maliban sa pagproseso ng NBI Clearance, maari ring mag pa authenticate ng Birth and Marriage Certificate sa Philippine Statistics Authority (dating NSO), magpa-member sa SSS, at mag apply at magtanong ng concerns sa PhilHealth.
Sa mga may katanungan maari niyong kontakin sina Ms. Alice Fetalvero (09998890816), Ms. Yoli Fegurasin (09186840913), o Ms. Lotlot Salivio (09128994189).