Isang mag-asawa sa bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island ang naiulat na sugatan matapos tamaan ng kidlat nitong Linggo ng hapon.
Sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD) Mimaropa Region, ang mag-asawa ay sina Jomar Riano, 38 taong gulang at si Helen Riano, 42 taong gulang at residente ng Barangay Taclobo ng nasabing bayan.
Hindi na naidetalye sa report ng OCD kung paano tinamaan ng kidlat ang mag-asawa ngunit sinabi nilang ligtas na ang dalawa at agad naman umanong nabigyan ng first aid sa rural health center.
Matatandaang nitong linggo ng hapon biglan umulan na may kasamang kidlat sa bayan ng San Fernando na nagdala ng pagbabaha sa lugar.
Sa taya ng Office of the Civil Defense (OCD), isa ang namatay sa pananalasa ng bagyong Carina sa bansa at anim ang sugatan. Lahat ito ay pawang sa lalawigan ng Romblon na hindi direktang naapektuhan ng nasabing bagyo.