Biglang binaha ngayong hapon ang bayan ng San Fernando, Romblon matapos ang biglaang ulan dala ng thunderstom na tumama sa lugar.
Halos hindi madaanan ang ilang kalsada papasok ng bayan dahil sa taga bewang na baha.
Nagsimula ang malakas na pag-uulan sa lugar bandang 4:30 ng hapon at natapos pasado alas-6 na ng gabi.
ADVERTISEMENT
Agad namang humupa ang baha matapos ang ulan.
Matatandaang laging binabaha ang sentro ng San Fernando dahil ito ang lugar na pinakababa sa nasabing bayan.