by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 12 July 2016
Sabay-sabay na sumuko kaninang alas- ng umaga, July 12, ang aabot sa 430 drug personalities galing sa iba’t ibang barangay ng Victoria, Oriental Mindoro sa mga tauhan ng Victoria Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Marvin Inocencio.
Tumungo ang mga sumuko sa Old Gym of Barangay Poblacion 1, Victoria, Oriental Mindoro at hinarap kay Victoria Mayor Joselito “LM” Malabanan.
Isasailalim ang mga sumuko sa 7-days Development program ng pamahalaang lokal upang makapagsimula ng bagong buhay.
Kahapon naman, July 11, aabot sa 155 drug personalities sa bayan ng Roxas sa Oriental Mindoro parin ang sumuko rin sa mga kapulisan.
Ang nasabing pagsuko ng mga drug personalities ay bahagi parin ng Oplan Tokhang ng kapulisan.