by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 06 July 2016
Nasa blue alert na simula pa kahapon ang Regional DRRM Operations Center kasunod ng pagpasok ng bagyong ‘Butchoy’ sa Philippine Area of Responsibility.
Ang bagyong ‘Butchoy’ na may international name na ‘Nepartak’ ay huling namataan malapit sa Appari, Cagayan.
ADVERTISEMENT
Maaring makaapeto ang bagyo sa hanging habagat na inaasahang magpapaulan sa buong MIMAROPA.
Sa ngayon, makulimlim na ang nararanasang panahon sa buong lalawigan ng Romblon.