Nasunog pasado alas-9 kagabi ang barkong M/V Grand Unity ng Navios Shipping Lines habang naka drydock ito sa Navatos fishport.
Sa report ng Bombo Radyo Philippines, hindi pa umano batid ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng pagkakasunog ng Ro-Ro vessel.
Sinabi rin sa report na inaayos ang barko kaya naka drydock ito sa Fish Port.
ADVERTISEMENT
Ang nasabing barko ay may regular na biyaheng Batangas to Sibuyan Island.
Wala naman umanong nasaktan sa nangyaring sunog ayon sa Bureau of Fire Protection.