Ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Cajidiocan ay pinagkalooban ng bagong modified rescue vehicle ng lokal na pamahalaan upang magamit kapag magkaroon ng sunog.
Ang nasabing gamit na pamatay-sunog ay pinondohan ng LGU Cajidiocan ng halagang P1.120 milyon.
Ayon sa pamunuan ng Romblon Provincial Fire Marshal, na kulang ang fire truck sa mga malalayong bayan kung saan karamihan pa sa mga ito ay luma na at karag-karag kaya naaantala ang pagresponde ng mga ito kapag may sunog.
Sa pamamaghitan ng mga bagong kagamitan, tinatayang mas makakapaghatid ng mabilis na serbisyo at epektibo ang pagganap ng BFP Romblon sa kanilang trabaho.
Ikinagalak rin ng mga residente ng nabanggit na bayan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng gamit dahil malaking tulong ito sa pagsasalba ng buhay at ari-arian kapag mayroong sunog sa kanilang lugar.