by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 22 June 2016
Pumanaw na nitong June 14 ang Association of Barangay Councils (ABC) President ng bayan ng San Andres na si Barangay Captain Maurice Noche Gadon.
Kidney at heart failure umano ang dahilan ng pagkamatay ni Gadon.
Si Gadon ay mahigit isang buwan ng nasa Philippine Heart Center sa Manila dahil sa sakit na diabetes at sakit sa puso.
Iniwan ni Gadon ang kanyang pwesto bilang Barangay Captain ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan.
Inaasahang ililibing si Capt. Gadon sa Linggo, June 26.
Nakaburol si Gadon sa bahay ng kanyang mga magulang sa Brgy. Poblacion bago ang pamilihang bayan.