by Ian Kay Faa, Romblon News | Wednesday, 22 June 2016
Makakaranas ng power interruption ang 5 bayan sa Tablas Island, Romblon sa araw ng Sabado, June 25, ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO.
Dahil umano ito sa isasagawang pagpapalit ng nasunog na poste Pole #115, C1 assembly sa Barangay Panique sa bayan ng Odiongan at paglagay ng mga disconnect switch sa mga lugar ng Brgy. Poblacion sa San Andres, Brgy. Carmen sa San Agustin, Brgy. Manhac sa Looc, at Brgy. Mat-i sa Santa Fe.
Ang mga nasabing disconnect switch ay paraan upang maiwasan ang sabay-sabay na brownout.
Magsisimula umano ang power interruption 8:30 ng umaga at magtatagal ng dalawang oras.
Ang mga apektadong lugar ay ang Brgy. ng Giunhayaan at Manhac sa bayan ng Looc, buong bayan ng San Andres, Calatrava, Santa Fe, San Agustin maliban sa Brgy. Camantaya at Bachawan.