by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 29 May 2016
Nadakip ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station sa pangunugna ni Police Inspector Edwin Bautista sa pakikipagtulungan na rin ng Magdiwang amunicipal Police Station ang di umano ay suspek sa dalawang stabbing incident sa bayan ng Cajidiocan nitog May 27, kung saan fiesta sa lugar.
Nakilala ang suspek na si Argie Sevilla y Gutierez, 25 years old at residente ng Valenzuela City.
Nadakip ang suspek sa Ambulog Port matapos na makatanggap ng tip ang kapulisan na merong hindi kilalang lalake ang nasa lugar nitong May 28.
Lumabas naman sa record ng kapulisan na wanted person rin ang lalake sa Valenzuela City na may kasong attempted murder.
Nakakulong na ang suspek sa Cajidiocan MPS at nakatakdang kasuhan ng frustrated homicide ang suspek.