by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 26 May 2016
Number one na maapektuhan ng sakaling pagmimina ng palladium ng Asian Palladium Mineral Resources, Inc. sa karagatang sakop ng Romblon ang iba’t ibang sanctuary sa lalawigan.
Isa na rito ang Looc Bay Marine Refuge and Sanctuary na ilang beses na na feature ng iba’t ibang bloggers around the world at national television.
Sa nakuha naman na impormasyon ng Romblon News Network, hindi pinayagan ng munisipyo ng bayan ng Looc na macomply ng kompanya ang permit na mangagaling sa LGU upang ma-approve ang kanilang request na magpatuloy.
Ilang bayan na rin ang hindi nag post ng notice of application sa kanilang mga bulletin boards na isa sa mga requiremens ng DENR-EMB upang payagan ang kompanya na magpatuloy.