by Dennis Evora, Romblon News | Sunday, 17 January 2016
Nagpaabot ng ibat-ibang pamamaraan ng pasasalamat ang mga mag-aaral at mga guro ng Dalajican Elementary School at Sampong Elementary School, dalawa sa siyam na mababang paaralan sa bayan ng Sibale na nakatanggap ng tulong, sa mag-asawang Carol at Andy Phelps dahil sa kanilang ipinadalang mga gamit pang eskuwela gaya ng mga libro, notebook, ballpen, lapis at payong.
Ang mga gamit pang-eskuwela ay ipinarating para sa lahat na mag-aaral sa elementarya dito sa Sibale sa pamamagitan ni Ms. Melicia Galicia na syang pinagkatiwalaan ng mag-asawa at siyang namahala sa pamamahagi ng mga nasabing gamit.
Natutuwa ang mga guro ng Sibale dahil may mga tao, na kagaya ng mag-asawang Phelps na mga taga-California, ang walang pag-aalinlangang nagbabahagi at nagpapaabot ng kanilang tulong sa mga nangangailangan kahit pa malayo sila.