by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 20 January 2016
Aabot na sa 3 katao sa buong rehiyon ng MIMAROPA ang nadakip ng mga kapulisan matapos na lumabag sa pinapatupad na Election Gun Ban ng PNP at ng COMELEC.
Ayon sa press statement na inilabas ng Police Regional Office ng MIMAROPA, ang tatlo ay nadakip sa checkpoint na isinasagawa ng mga kapulisan.
Ang mga nadakip ay sina Vinver Biesca Hipon na nahulihan ng Cal. 22 pisotol, 27 taong gulang, residente ng Barangay Ordovilla, Victoria, Oriental Mindoro; Rolando Morana Eleazar na nahulihan ng Cal. 45 Armscor na baril, residente ng Barangay Corong-Corong, El Nido, Palawan at si Ricardo Sabas Rodriguez, 55 taong gulang.
Ang striktong implementasyon ng nasabing gun ban ay para umano mabawasan ang mga election related violence sa buong bansa sa paparating na national at local election ngayong Mayo.
Nitong January 15, umabot na sa 470 checkpoiints ang na-deploy ng PNP MIMAROPA sa buong rehiyon.