Ano na naman kaya ang nakain at bakit muli na namang binuhay ang usapin tungkol sa pagbabalik ng ‘mandatory ROTC' sa mga estudyante sa kolehiyo o Grades 11 & 12? E kaya nga tinanggal ito noon, kasi marami ang mga valid na dahilan – maliban sa naabuso ito, nakaka disturbo lang ito sa pag-aaral. Gayong martsa, painit sa sikat ng araw, paghawak ng kahoy na baril lang naman ang natututunan.
Sa usaping para madevelop ang pagmamahal at loyalty ng isang Filiipino citizen sa bayan, ako naman ay sang-ayon sa military training at magkaroon ng pool of reservists. Kailangan ito talga, lalo na sa oras ng gyera (hindi naman natin hinihngi), pero kung dumating ang sitwasyong ito, maaaring obligahin ng gobyerno ang lahat ng mga ‘able citizens lalo ang mga reservists' na maging aktibo at sumali sa pangkat at hukbo ng sandatahan.
Pero ang military training na ito ay hindi dapat obligadong ipapatupad sa oras ng pag-aaral ng ating mga kabataan, kundi ipatupad ito matapos silang makapag-aral o kaya bago sila lumagpas sa edad na 25 years. Ganito ang sistema sa ibang bansa. Kahit na may trabaho na ang isang citizen, bago pa man sya lumagpas sa edad na 25, kailangan nyang mag undergo ng military training sa totoong military camp, totoong baril ang pinag-aaralang paputukin, tactics sa pagkikipaglaban, at iba pang military training and education. Paid leave sila kapag mag undergo ng military training kung sila ay may mga trabaho na, sa pribado man o pampublikong tanggapan.


































