Inaanyayahan ang mga pet lovers at fur parents mula sa iba't ibang bayan ng Sibuyan Island na makiisa sa kauna-unahang Pet Fun Run na gaganapin sa San Fernando, Romblon sa Nobyembre 29, 2026.
Magsisimula ang aktibidad alas-7 ng umaga sa San Fernando Plaza bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng bayan.
Nakatakda sa ₱300 kada alagang hayop ang registration fee. May hiwalay namang bayad na ₱460 para sa official Pet Fun Run shirt at ₱250 para sa bawat karagdagang event shirt.
May nakahanda ring papremyo para sa mga mananalo. Makakatanggap ng ₱1,500 at tropeo ang first placer, ₱1,000 at tropeo ang second placer, at ₱700 ang third placer.
Layunin ng programa na magbigay ng pagkakataon sa mga pet owner at kanilang mga alagang hayop na mag-bonding habang isinusulong ang responsableng pag-aalaga, pagmamahal at suporta sa mga hayop na nangangailangan.


























