Sinuspinde ng mga lokal na pamahalaan ng Cajidiocan at Banton ang klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya, gayundin ang trabaho ng teaching at non-teaching personnel, sa October 5, 2026, bilang paggunita sa National Teachers’ Day at World Teachers’ Day.
Sa Cajidiocan, ipinatupad ang suspensiyon alinsunod sa Executive Order No. 073, Series of 2026, na inilabas ni Mayor Atty. Marvin R. Ramos.
Samantala, naglabas din ng executive order ang lokal na pamahalaan ng Banton para sa suspensiyon ng klase sa mga paaralan sa isla sa nasabing araw.
Ayon sa kautusan ng Cajidiocan, layunin ng suspensiyon na bigyang-pagkilala ang mga guro at ang kanilang mahalagang papel sa edukasyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day at World Teachers’ Day.

























