Opisyal nang ginagamit ngayong araw ang bagong Legislative Building ng Lokal na Pamahalaan ng Calatrava na magsisilbing bagong tanggapan ng Vice Mayor at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ayon sa LGU, layunin ng bagong gusali na magkaroon ng mas maayos, organisado at accessible na mga tanggapan para sa mga opisyal ng Sangguniang Bayan, na inaasahang makatutulong sa mas episyente at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan at hinaing ng mga Calatravanhon.
Sinabi ni Mayor Robert Fabella na ipinatayo ang bagong Legislative Building gamit ang pondo ng lokal na pamahalaan.
Nakatakda namang pormal na i-turn over sa munisipyo ang gusali sa mga susunod na araw.


























Discussion about this post