Nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Provincial Fisheries Office Romblon ng coastal clean-up activity kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga fisherfolk sa Tabing Dagat, Odiongan, Romblon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 63rd Fish Conservation Week 2026.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at maisulong ang pangangalaga at responsableng paggamit ng yamang-dagat para sa malinis, malusog at sustainable na coastal communities.
Bukod sa paglilinis ng baybayin, isinagawa rin ang mga palaro para sa mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya at mga fisherfolk.
Naging pagkakataon ang mga aktibidad upang mapalakas ang teamwork, kooperasyon at pakikipagkapwa ng mga lumahok sa coastal clean-up drive.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng temang “Lusay, Korales at Bakawan: Yaman ng Karagatan, Masaganang Buhay ng Pamayanan,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng karagatan at fisheries resources.



































Discussion about this post