Pansamantalang sinuspinde ni Cajidiocan Mayor Marvin Ramos ang klase sa lahat ng elementarya at sekondarya sa bayan upang bigyang-daan ang inspeksyon sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng mga paaralan kasunod ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa Claveria, Masbate at naramdaman sa bayan.
Ayon kay Ramos, layunin ng suspensyon na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, gayundin ang mabigyan ng kapanatagan ang mga magulang habang isinasagawa ang structural assessment sa mga paaralan.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Bayan ng Cajidiocan at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Department of Education (DepEd) upang masuri ang kalagayan ng mga gusali at iba pang pasilidad.
Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na malaking pinsala o nasugatan sa bayan dulot ng lindol. Ang klase ay inaasahang ipagpapatuloy lamang matapos matiyak ng mga awtoridad na ligtas gamitin ang mga paaralan.



































Discussion about this post