• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Tuesday, November 3, 2026
28 °c
Romblon
29 ° Tue
28 ° Wed
28 ° Thu
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Kalsadang pinondohan ng LGSF sa Ferrol, 60% nang kumpleto

    Kalsadang pinondohan ng LGSF sa Ferrol, 60% nang kumpleto

    Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    Mahigit 11,900 bata sa Romblon, nabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin

    Food packs, nais ipamahagi para mahikayat ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng mga anak

    Romblon, may Provincial Cybercrime Office na sa bisa ng bagong ordinansa

    Romblon, may Provincial Cybercrime Office na sa bisa ng bagong ordinansa

    Most Wanted sa Romblon, Arestado sa Lipa City

    Most Wanted sa Romblon, Arestado sa Lipa City

    Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    Madrona, nag-turn over ng sasakyan sa DOH Romblon

    Madrona, nag-turn over ng sasakyan sa DOH Romblon

    Paggamit sa bagong Lucena Port Terminal, libre buong 2026

    Paggamit sa bagong Lucena Port Terminal, libre buong 2026

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Dalawang silid-aralan sa Looc, Romblon, nasunog

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
29 ° Tue
28 ° Wed
28 ° Thu
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Regional News Palawan

Alyansa Tigil Mina nanawagang ikansela ang mining contract ni Joseph Sy sa Palawan

Ana MendozabyAna Mendoza
August 29, 2025
in Palawan
Reading Time: 12 mins read
58
0
Alyansa Tigil Mina nanawagang ikansela ang mining contract ni Joseph Sy sa Palawan
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa pamahalaan na repasuhin ang mga kontrata sa pagmimina na pinasok ng bilyonaryong si Joseph Sy at isaalang-alang ang posibilidad na kanselahin ang mga ito, kaugnay ng kinukwestyong pagiging Pilipino ni Sy.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng ATM, nalalagay sa alanganin ang bisa ng mga Mineral Production Sharing Agreements (MPSAs) ng Global Ferronickel Holdings Inc. (FNI) at mga subsidiary nito, dahil lumalabas na nilabag ni Sy ang mga batas ng Pilipinas habang siya ang Chair ng kumpanya.

“Dapat ding isaalang-alang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga reklamong patuloy na violative mining practices ng mga kumpanya ni Sy sa Surigao at Palawan, gayundin ang panawagan ng mga lokal na komunidad na itigil ang mapanirang operasyon. Kung mapatunayang lumalabag ang mga ito sa batas at regulasyong pangkalikasan, nararapat lamang na kanselahin ang mga kontrata,” dagdag ni Garganera.

Binigyang-diin din niya na ang maling pagpapakilala ni Sy bilang Pilipino ay nagpapakita ng kwestyonableng asal ng isang lider sa industriya ng pagmimina. Aniya, nakakapagduda rin kung gaano kalaganap ang paggamit ng dummy corporations sa sektor at nakakasira ito sa kredibilidad ng “responsible mining” na ipinagmamalaki ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP).

Nanawagan din si Garganera sa Extractives Industry Transparency Initiative of the Philippines (EITI-PH) na pinamumunuan ng Department of Finance (DOF) at DENR na palakasin ang kanilang monitoring function sa pamamagitan ng mas malawak at mas malalim na pag-aaral hinggil sa Beneficial Ownership ng mga kumpanyang nasa mining at extractive industries.

“Kung kaso lang ni Sy ang nakikita natin, baka tip of the iceberg pa lang ito. Nanganganib ang ating pambansang seguridad kung mga dayuhan at banyagang korporasyon ang totoong nagmamay-ari ng ating yamang likas—isang bagay na tahasang ipinagbabawal ng 1987 Constitution,” ani Garganera.

Batay sa website ng FNI, kabilang sa mga subsidiary nito ang Platinum Group Metals Corporation (PGMC), Surigao Integrated Resources Corporation, PGMC-CNEP Shipping Services Corp., at PGMC International Limited. Sa ilalim ng PGMC, pinatatakbo ng FNI ang Cagdianao Mine sa Surigao at Ipilan Nickel Mine sa Palawan. Matagal nang inirereklamo ng mga lokal na komunidad at environmental groups ang umano’y paglabag ng mga kumpanyang ito sa batas at ang pagkasira ng kalikasan.

Matatandaang naaresto si Sy noong Agosto 21 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos gumamit ng Philippine passport at iba pang lokal na ID cards kahit umano’y siya ay isang Chinese citizen.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, matagal nang iniimbestigahan si Sy batay sa intelligence reports na nagsasabing iligal na nakuha nito ang kanyang mga citizenship documents. Lumabas sa BI Certification na ang fingerprints ni Sy sa kanyang Philippine passport at ang fingerprints ng isang Chen Zhong Zhen sa Alien Certificate of Registration Identity Card ay iisa.

Dagdag ni Garganera, may malalim na implikasyon ang maling pagpapakilalang ito ni Sy sa pamamahala ng yamang likas ng bansa. Aniya, posibleng may kaugnayan pa ito sa panghihimasok ng China at pang-aabuso sa sektor ng pagmimina sa Pilipinas.

Related Posts

PCG, nagsampa ng paunang reklamong kriminal laban sa kapitan ng M/V June Aster

PCG, nagsampa ng paunang reklamong kriminal laban sa kapitan ng M/V June Aster

September 29, 2026
76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

September 12, 2026

Popular Stories

  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    2893 shares
    Share 1157 Tweet 723
  • Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    719 shares
    Share 288 Tweet 180
  • Most Wanted sa Romblon, Arestado sa Lipa City

    284 shares
    Share 114 Tweet 71
  • Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    114 shares
    Share 46 Tweet 29
  • Madrona, nag-turn over ng sasakyan sa DOH Romblon

    48 shares
    Share 19 Tweet 12
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Romblon, may pinakamataas na poverty incidence sa mga probinsya ng MIMAROPA

PCSO Lotto Results – October 29, 2026

Mga sasakyang pandagat sa San Jose, nilagyan ng GPS tracker ng DOST

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up