Nasa Batangas na ang mga delegado ng iba't ibang State Universities at Colleges sa buong rehiyon ng Mimaropa at Calabarzon para sa 2022 Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges – Culture and the Arts Festival.
Kabilang rito ang grupo ng mga delegado ng Romblon State University na tumawid pa ng dagat para makilahok sa festival.
Sa opening day nitong Martes, sinabi ni Batangas State University President at host ng event na si Dr. Tirso Ronquillo sa GMA Balitang Southern Tagalog na umaasa ang lahat na mas magiging masigla at mas mayabong ang partisipasyon ng bawat isa dahil matagal umanong hinintay at pinaghandaan ang event.
Samantala, ayon kay Strasuc President Dr. Levy Arago Jr. mahalaga umano ang arts and culture.
“Hindi ibig sabihin na ikaw ay dini-develop para maging Engineer at Doctor ay mawawala na ‘yung arts and culture. Kasi kung tinalikuran natin ‘yun parang tinalikuran na rin natin ‘yung ating history,” pahayag ni Dr. Arago.
Magtatagal ang Culture and the Arts Festival hanggang November 18.


























