Tatanggap ng tig-5 kilo ng bigas ang mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Romblon bilang munting pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang sakripisyo at pagsisikap.
Ayon kay Governor Trina Fabic, ipamamahagi ang bigas sa susunod na linggo bilang pagkilala sa mga teaching personnel sa lalawigan bilang bahagi ng paggunita sa Teachers’ Day.
Sinabi ng gobernador na ang naturang handog ay paraan ng pamahalaang panlalawigan at ng mga Romblomanon upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga guro na tumutulong sa paghubog sa kabataan at pagpapatatag ng pundasyon ng lipunan.
Sakop ng pamamahagi ang mga guro mula sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa buong lalawigan.

























