Naidepensa ni American boxer Ryan Garcia ang kanyang WBC Welterweight title matapos talunin via second-round technical knockout (TKO) ang challenger na si Connor Benn ng Great Britain sa kanilang laban sa T-Mobile Arena sa Las Vegas noong Setyembre 13, 2026.
Tinapos ni Garcia ang laban matapos tumama ang kanyang right hook sa mukha ni Benn sa second round at napabagsak ito. Bagama’t nakatayo at nagawang ipagpatuloy ni Benn ang laban, agad siyang sinalubong ni Garcia ng sunod-sunod na suntok na naging dahilan upang itigil ng referee ang laban.
Ito ang unang title defense ni Garcia mula nang makuha niya ang WBC Welterweight title laban kay Mario Barrios noong Pebrero.
Matapos ang laban, hinamon ni Garcia ang isa pang welterweight champion na si Teofimo Lopez, na kasalukuyang may hawak ng WBA title, para sa isang posibleng unification fight.
Samantala, kabilang sa mga undercard fight ang laban ng Filipino boxer na si Mark Magsayo kontra sa undefeated American na si Andres Cortes sa lightweight division.
Naputol ang five-fight winning streak ni Magsayo matapos siyang talunin ni Cortes via 10-round unanimous decision. Ilang beses ding napabagsak ni Cortes si Magsayo sa laban, na nakatulong upang makontrol niya ang laban hanggang sa final bell.
Matapos ang laban, nasa 29 wins, 3 losses at 19 knockouts ang record ni Magsayo, habang nananatiling undefeated si Cortes na may 26 wins at 13 knockouts.



































Discussion about this post