• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, October 15, 2026
28 °c
Romblon
29 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    Apat na samahan ng mangingisda sa San Jose, tumanggap ng boat repair materials

    Apat na samahan ng mangingisda sa San Jose, tumanggap ng boat repair materials

    Duterte OKs no disconnection policy extension for lifeliners

    ERC: No-disconnection policy sa kuryente hanggang Disyembre na

    Romblon Provincial Gov’t, naghahanda sa posibleng epekto ng ‘super El Niño’

    PAGASA: Romblon, posibleng makaranas ng drought sa January 2027

    5 magulang ng child laborers sa San Agustin, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

    5 magulang ng child laborers sa San Agustin, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

    Mayor Ramos, hiniling ang datos ng ekonomiya kada bayan sa Romblon

    Mayor Ramos, hiniling ang datos ng ekonomiya kada bayan sa Romblon

    ₱2.7-M cattle production project, ipinagkaloob sa farmers association sa Santa Maria

    ₱2.7-M cattle production project, ipinagkaloob sa farmers association sa Santa Maria

    Inflation sa Romblon, umakyat sa 5.7% noong September 2026 — PSA

    Inflation sa Romblon, umakyat sa 5.7% noong September 2026 — PSA

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
29 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

Mahigit 5,000 Romblomanon, inaasahang makikinabang sa Handog ng Pangulo sa Odiongan

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
September 9, 2026
in Local News
Reading Time: 22 mins read
125
0
Mahigit 5,000 Romblomanon, inaasahang makikinabang sa Handog ng Pangulo sa Odiongan

FILE PHOTO. Handog ng Pangulo 2024.

Share on FacebookShare on Twitter

Tinatayang 5,148 benepisyaryo mula sa Romblon ang inaasahang makikinabang sa iba't ibang programa at serbisyo ng pamahalaan na ihahatid sa Handog ng Pangulo 2026 sa September 14 sa Odiongan Covered Court, Odiongan, Romblon.

Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga Romblomanon ang iba't ibang serbisyo ng national government agencies upang hindi na kailangang bumiyahe pa sa ibang lugar para makakuha ng assistance, dokumento, livelihood support, legal services, training at iba pang tulong.

Kabilang sa pinakamalaking assistance ang AICS payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tinatayang 2,000 hanggang 3,000 benepisyaryo. Mayroon ding information booths para sa Sustainable Livelihood Program, KALAHI-CIDSS at iba pang sectoral services, psychosocial support, at awarding ng mga proyekto sa ilalim ng KALAHI-CIDSS.

Magkakaroon din ng Supplementary Feeding Program kung saan nakatakdang igawad ang certificates at utensils para sa 19,321 household beneficiaries at 16 LGUs, ayon sa programa ng DSWD.

Samantala, magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng tulong sa pamamagitan ng TUPAD, na nakalaan para sa 31 benepisyaryo, DOLE Integrated Livelihood Program para sa 132 benepisyaryo, Government Internship Program para sa 18 benepisyaryo na may kabuuang ₱81,900, at Adjustment Measures Program para sa pitong manggagawa at isang enterprise na nagkakahalaga ng ₱500,000.

Tulong sa mga OFW at pamilya

Para naman sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya, magbibigay ang OWWA ng assistance sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay, na may 30 benepisyaryo at kabuuang ₱545,000.

Mayroon ding Welfare Assistance Program para sa 21 benepisyaryo na nagkakahalaga ng ₱285,000, at disability and death benefits para sa isang benepisyaryo na nagkakahalaga ng ₱120,000.

Samantala, magbibigay ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Fund sa 14 na benepisyaryo, na may kabuuang halagang ₱695,000. Ang programa ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga OFW na nangangailangan ng suporta dahil sa iba’t ibang sitwasyon.

Serbisyong legal at dokumento

Magkakaroon din ng libreng legal assistance mula sa Department of Justice (DOJ), kabilang ang information dissemination sa mga serbisyo ng DOJ, legal help desk kasama ang Public Attorney's Office (PAO), Integrated Bar of the Philippines (IBP) at mga prosecutor, prosecutors' clearance, Bureau of Immigration (BI) help desk, Land Registration Authority (LRA) help desk, at legal literacy lectures.

Magbibigay naman ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng serbisyo para sa National ID registration, ePhilID issuance at demographic updating, habang ang Philippine National Police (PNP) ay magbibigay ng police clearance services at magtatayo ng mga help desk para sa mga nangangailangan ng police assistance.

May nakalaan ding discounted clearance o libreng convenience fee para sa ilang aplikasyon ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI), habang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay magbibigay ng passport services.

Serbisyong pangkalusugan

Sa sektor ng kalusugan, kabilang sa mga serbisyo ang Vitamin A immunization mula sa Department of Health (DOH).

Magbibigay naman ang PhilHealth ng iba't ibang serbisyo para sa 200 benepisyaryo, kabilang ang YAKAP empanelment, First Patient Encounter at pag-iisyu ng YAKAP Empanelment Slip, GAMOT dispensing at PSA co-location services para sa National ID registration.

Ang YAKAP ay bahagi ng PhilHealth primary care program na naglalayong mailapit sa mga miyembro ang mga serbisyong pangkalusugan at preventive care sa pamamagitan ng accredited YAKAP clinics.

Tulong sa kabuhayan, pagsasanay at negosyo

Para sa mga naghahanap ng trabaho at nais magkaroon ng bagong kasanayan, mag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng iba't ibang serbisyo gaya ng distribution ng allowance/training support fund para sa 70 benepisyaryo na nagkakahalaga ng ₱302,000, at distribution ng toolkits para sa 10 benepisyaryo na nagkakahalaga ng ₱98,855.

Mayroon ding sign-up para sa scholarship programs o assessment, career profiling at guidance, job fair, short courses, at promotion ng Skills Passport at TESDA Online Program.

Samantala, magbibigay ang Department of Science and Technology (DOST) ng assistance sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) para sa anim na firms, na may kabuuang halaga na ₱9.03 milyon. Ang SETUP ay tumutulong sa mga micro, small at medium enterprises na mapahusay ang kanilang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya, kagamitan at iba pang technical assistance.

Suporta sa mga magsasaka

Makikinabang din ang mga magsasaka sa mga agricultural interventions ng Department of Agriculture (DA), kabilang ang pamamahagi ng soil ameliorants at pheromone lures sa mga farmer groups.

Nakahanay rin ang pamamahagi ng cassava chipper para sa apat na grupo at 112 bags ng yellow corn seeds para sa apat na grupo.

Mayroon ding livelihood assistance sa ilalim ng Livestock Economic Enterprise Development Program, kabilang ang cattle production para sa tatlong grupo at chicken layer farm para sa isang grupo.

Kasama rin sa programa ang corn mill para sa isang grupo at 35 bags ng corn seeds para sa 35 grupo, gayundin ang mga fertilizer, organic plant supplements at vegetable seeds para sa mga benepisyaryo. May insentibo rin para sa isang iskolar na nagtapos bilang Latin Honor.

Suporta sa mga agrarian reform beneficiaries

Sa ilalim naman ng Department of Agrarian Reform (DAR), ipamamahagi ang walong e-Titles at Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na sumasaklaw sa 23.6096 ektarya para sa walong Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Magkakaroon din ng legal clinic o libreng legal assistance para sa mga ARB at pamamahagi ng farm machinery and equipment, kabilang ang isang mechanical rice planter na nagkakahalaga ng ₱1.5 milyon para sa 50 ARBs. Mayroon ding ARB Organization Product Display.

Samantala, may mga serbisyong pang-edukasyon at pangkalusugan na ihahatid sa pakikipagtulungan ng DepEd, PhilHealth at PSA, kabilang ang pagkuha ng PhilHealth Identification Number, pag-iisyu ng PhilHealth ID at pag-update ng member data records, gayundin ang assignment ng mga benepisyaryo sa YAKAP Clinic at PhilHealth Check Utility validation.

Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo 2026, inaasahang mapapalapit sa mga Romblomanon ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan sa iisang lugar, partikular para sa mga nangangailangan ng tulong sa kabuhayan, kalusugan, edukasyon, trabaho, dokumento, legal na serbisyo at iba pang pangunahing pangangailangan.

Related Posts

Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

October 15, 2026
Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

October 14, 2026

Popular Stories

  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    2897 shares
    Share 1159 Tweet 724
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    133 shares
    Share 53 Tweet 33
  • Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

    1068 shares
    Share 427 Tweet 267
  • Tricycle driver, arestado sa buy-bust operation sa Odiongan

    158 shares
    Share 63 Tweet 40
  • DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    275 shares
    Share 110 Tweet 69
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Kakulangan ng trabaho sa Romblon, nagtutulak sa mga propesyonal na maghanapbuhay sa ibang lugar

PSA: Ekonomiya ng Romblon, lumago ng 3.3% noong 2025

DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up