• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, November 5, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Tablas Island San Agustin

Solar-powered ice plant malaking tulong sa mangingisda sa San Agustin

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
August 16, 2026
in San Agustin, Technology
Reading Time: 13 mins read
41
0
Solar-powered ice plant malaking tulong sa mangingisda sa San Agustin

Photo Courtesy: DOST

Share on FacebookShare on Twitter

Malaking ginhawa sa operasyon ng ice plant para sa mga mangingisda sa San Agustin ang bagong solar energy system na tutulong na mapababa ang mataas na gastos sa kuryente ng pasilidad.

Ayon kay Barangay Captain Claro M. Madrilejos III ng Barangay Carmen, kung saan matatagpuan ang ice plant, malaking tulong na ang pasilidad sa mga mangingisda at maliliit na negosyante dahil nagbibigay ito ng abot-kayang yelo para mapanatiling sariwa ang kanilang mga huling isda.

Ang ice plant ay itinatag ng Department of Science and Technology (DOST)-MIMAROPA at ng Local Government Unit (LGU) ng San Agustin sa Marine Fish Landing Center sa Carmen Bay. Ang one-tonner ice plant ay may kapasidad na gumawa ng 25 hanggang 30 bloke ng yelo kada batch, na bawat isa ay humigit-kumulang 15 kilo.

Ang pasilidad ay may 30-tonner cooling tower, 7-horsepower compressor, 5-tonner condenser, 5-tonner evaporator, 2-tonner water tank, agitator at ice crusher. Inilaan naman ng LGU-San Agustin ang lupa, gusali at kinakailangang electrical system para sa pasilidad.

Mahalaga ang ice plant sa tinatayang 2,038 rehistradong mangingisda sa San Agustin dahil dati ay kailangan pa nilang bumiyahe sa ibang lugar upang makakuha ng yelo, na nagdudulot ng karagdagang gastos at pagkatunaw ng yelo habang dinadala sa kanilang mga lugar.

“Yung isda, sa halip na mahal ang bentahan, pero pagdating sa tabi, nagiging mura, kaya ito ang ginawan ng paraan ni dating Mayor Denon Madrona wayback 2023, nakipagpulong at humingi ng tulong, kasama si Congressman Budoy Madrona, at nakapagpatayo ng ice plant ang ating DOST,” ani Madrilejos.

Gayunman, sinabi niyang naging malaking hamon sa pagpapatakbo ng pasilidad ang mataas na konsumo sa kuryente.

“Malaking tulong ito sa aming mga mangingisda, maging sa aming mga maliliit na negosyante. Nga lamang, mabigat ding pasanin sa amin ang mahal na singil na kuryente kasi halos 8,000 watts per hour, kaya ang tendency, ang kita, napupunta lang sa kuryente,” ani Madrilejos.

Dahil dito, malaking tulong umano ang bagong Solar Energy System (SES) na inilagay sa ice plant upang makatulong sa operational expenses nito.

Ang bagong solar intervention ay may project cost na ₱2.186 milyon at binubuo ng 16-kVA solar hybrid energy system na may 80-kWh battery storage, na idinisenyo upang magbigay ng renewable energy support sa operasyon ng ice plant.

“Malaking blessing ito dahil ngayon may solar power na ang ating ice plant, malaking tulong ito para mapunan ang operational expenses habang pinatatakbo namin ang ice plant,” dagdag ni Madrilejos.

Bukod sa pagbawas sa gastusin, inaasahang makatutulong ang kombinasyon ng ice plant at solar energy system upang maging mas sustainable ang serbisyo para sa fisheries sector at mapanatili ang kalidad at market value ng mga huling isda.

Sinabi ni Madrilejos na pananatilihin nilang maayos ang operasyon at pamamahala ng pasilidad bilang pasasalamat sa DOST, lokal na pamahalaan at mga naging katuwang sa pagtatayo at pagpapalakas nito.

“Bilang balik pasasalamat sa DOST, sa ating mayor, kay Mayor Denon, at sa mahal na congressman, amin pong patatakbuhin ito nang maayos at pamamahalaan para maging sustainable ang pamumuhay ng mga mangingisda namin dito sa San Agustin maging sa mga kalapit bayan,” ani Madrilejos.

Bukod sa pakinabang ng mga lokal na mangingisda, inaasahang makatutulong ang ice plant sa paghikayat sa mga mangingisda mula sa mga kalapit na bayan na mag-landing ng kanilang huli sa Carmen Fish Landing Center, na maaaring magpalakas sa lokal na ekonomiya.

Related Posts

DOST Romblon, isinusulong ang siyensiya at teknolohiya para palakasin ang lokal na negosyo

DOST Romblon, isinusulong ang siyensiya at teknolohiya para palakasin ang lokal na negosyo

November 4, 2026
San Jose District Hospital, may sarili nang ambulansya

San Jose District Hospital, may sarili nang ambulansya

November 3, 2026

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    687 shares
    Share 275 Tweet 172
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    44 shares
    Share 18 Tweet 11
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    100 shares
    Share 40 Tweet 25
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3021 shares
    Share 1208 Tweet 755
  • Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    900 shares
    Share 360 Tweet 225
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

PCSO Lotto Results – November 03, 2026

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up