• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, November 5, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    DTI Romblon, planong magtayo ng OTOP Hubs sa mga pangunahing daungan

    DOST Romblon, isinusulong ang siyensiya at teknolohiya para palakasin ang lokal na negosyo

    1,024 senior citizen sa Cajidiocan, nakatanggap ng social pension

    Kauna-unahang Social Enterprise Week, ipinagdiwang sa Odiongan

    DOLE releases cash assistance to 1,131 CAMP beneficiaries in Romblon

    Public hearing, isasagawa sa Odiongan para sa pag-update ng minimum wage

    Mt. Guiting-Guiting, sarado sa mga mountaineer hanggang January 2027

    Madrona, binigyang-diin ang tatlong prayoridad sa serbisyo para sa Romblon

    Madrona, nakipagtulungan sa mga LGUs para sa maisaayos ang mga kalsada sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

DOST itinutulak ang community-based innovation para sa mga pangangailangan ng Romblon

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
August 16, 2026
in Local News, Technology
Reading Time: 7 mins read
15
0
DOST itinutulak ang community-based innovation para sa mga pangangailangan ng Romblon
Share on FacebookShare on Twitter

Itinutulak ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbuo ng mga inobasyong nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mga komunidad upang matiyak na ang mga teknolohiyang ipatutupad sa Romblon ay magiging angkop, kapaki-pakinabang at may konkretong epekto sa mga mamamayan.

Sinabi ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. na mahalagang maging bahagi ng proseso ng innovation ang mga lokal na lider, guro, magsasaka, negosyante at iba pang residente dahil ang kanilang mga karanasan at pangangailangan ang magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga teknolohiya.

Tinawag ni Solidum na “fit-for-purpose innovation” ang ganitong pamamaraan, kung saan ang science and technology ay direktang tumutugon sa mga problema at pangangailangan ng mga komunidad.

Ayon sa kalihim, mahalagang hindi lamang nakatuon ang innovation sa pagbuo ng bagong teknolohiya, kundi sa kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa mga taong gagamit nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Solidum na nais ng DOST na makita ang mga isla ng Romblon hindi bilang mga hiwa-hiwalay at malalayong komunidad, kundi bilang mga sentro ng katatagan at oportunidad.

“Ang pangarap natin ay makita ang ating mga isla, tulad po sa iba't ibang isla dito sa Romblon, hindi bilang mga malalayong tuldok sa mapa kundi bilang mga sentro ng inobasyon, katatagan at oportunidad,” ani Solidum.

Binigyang-diin niya na ang patuloy na pamumuhunan sa mga tao, pagpapalakas ng partnerships at paggamit ng science and technology sa paggawa ng mga desisyon ay makatutulong upang malampasan ang mga hamon na dulot ng pagiging isang island province.

Sinabi ni Solidum na kaya ng mga taga-Romblon na manguna at mangarap, at makapag-ambag sa pagpapabuti ng pamumuhay sa lalawigan sa pamamagitan ng paggamit ng science, technology and innovation.

Related Posts

Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

November 5, 2026
DTI Romblon, planong magtayo ng OTOP Hubs sa mga pangunahing daungan

DTI Romblon, planong magtayo ng OTOP Hubs sa mga pangunahing daungan

November 4, 2026

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    386 shares
    Share 154 Tweet 97
  • Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

    115 shares
    Share 46 Tweet 29
  • Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

    84 shares
    Share 34 Tweet 21
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    83 shares
    Share 33 Tweet 21
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3014 shares
    Share 1206 Tweet 754
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

RSU, magpapatupad ng work-from-home arrangement sa Nobyembre 3–5

PCSO Lotto Results – November 02, 2026

Kalsadang pinondohan ng LGSF sa Ferrol, 60% nang kumpleto

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up