Natapos na ang NBA Summer League 2026 na ginanap mula Hulyo 9 hanggang 19, 2026. Ang taunang torneo, na nagsimula pa noong 2002, ay nagsisilbing entablado para sa mga rookies, sophomores, at iba pang batang manlalaro na nagnanais mapatunayan ang kanilang kakayahan at makakuha ng permanenteng puwesto sa kani-kanilang NBA teams.
Sa edisyong ito, hinati ng NBA ang Summer League sa tatlong torneo—California Classic, Salt Lake City Summer League, at Las Vegas Summer League.
Sa California Classic, itinanghal na kampeon ang Sacramento Kings habang pumangalawa ang Golden State Warriors. Tinanghal namang top scorer ng torneo si Darius Acuff ng Sacramento Kings.
Sa Salt Lake City Summer League, nakuha ng Utah Jazz ang kampeonato matapos manguna sa kompetisyon, habang pumangalawa ang Atlanta Hawks. Si Darryn Peterson ng Utah Jazz ang naging top scorer ng torneo.
Samantala, sa pinakaprestihiyosong Las Vegas Summer League, nasungkit ng Golden State Warriors ang kampeonato matapos talunin ang Memphis Grizzlies sa finals. Ang top scorer ng torneo ay si Maleek Thomas ng Cleveland Cavaliers.
Kasabay ng pagtatapos ng Summer League, inilabas din ng NBA ang mga manlalarong napabilang sa 2026 Summer League First Team. Kabilang dito sina Yaxel Lendeborg ng Golden State Warriors, Cameron Boozer ng Memphis Grizzlies, Maleek Thomas ng Cleveland Cavaliers, Brayden Burries ng Milwaukee Bucks, at Caleb Wilson ng Chicago Bulls.
Napabilang naman sa Summer League Second Team sina Cedric Coward ng Memphis Grizzlies, Egor Demin ng Brooklyn Nets, Khaman Maluach ng Phoenix Suns, Liam McNeeley ng Charlotte Hornets, at Zyon Pullin ng Minnesota Timberwolves.
Dahil sa kanyang natatanging performance sa buong torneo, itinanghal si Yaxel Lendeborg ng Golden State Warriors bilang Most Valuable Player (MVP) ng NBA Summer League 2026.
Bagama't natapos na ang Summer League, mahaba pa ang offseason ng NBA. Inaasahan pa ang iba't ibang player movements, trades, at free-agent signings habang naghahanda ang lahat ng koponan para sa pagsisimula ng 2026–2027 NBA season.



































Discussion about this post