Tumanggap ng tig-₱4,000 na financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 1,591 bagong nagtapos mula sa iba't ibang campus ng Romblon State University (RSU) noong July 7.
Sa kabuuan, 1,104 na graduates mula sa RSU Main Campus, 433 mula sa San Agustin Campus, at 54 mula sa Santa Fe Campus ang naging benepisyaryo ng programa.
Isinagawa ang pamamahagi bilang bahagi ng programa ng DSWD na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan habang naghahanda sa paghahanap ng trabaho o pagpapatuloy ng kanilang propesyon.
Ayon sa DSWD, layunin ng programa na magbigay ng agarang suporta sa mga bagong nagtapos habang sila ay nagsisimulang bumuo ng kanilang mga karera at naghahanap ng mga oportunidad sa trabaho.
Ang pamamahagi ng ayuda ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang mga kabataang Pilipino sa kanilang paglipat mula sa pag-aaral patungo sa mundo ng paggawa.



































Discussion about this post