Kabilang ang 22 jeepney drivers mula sa lalawigan ng Romblon sa mga nakatanggap ng tig-₱5,000 cash relief assistance mula sa pamahalaan bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA, layunin ng programa na makatulong sa kabuhayan ng mga driver na patuloy na bumibiyahe at nagseserbisyo sa publiko sa kabila ng tumataas na gastusin sa transportasyon.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga nakatalang drivers na validated ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matiyak na kwalipikado silang makatanggap ng ayuda.
Bahagi ang cash relief assistance ng programa ng pamahalaan para sa sektor ng transportasyon na naapektuhan ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa DSWD, dumaan sa validation at de-duplication process ang listahan ng mga benepisyaryo upang maiwasan ang dobleng pagtanggap ng ayuda at matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga kwalipikadong driver.
Sabay-sabay ang isinagawang payout sa buong rehiyon ngayong araw.



































Discussion about this post