Inanunsyo ni Mayor Greggy Ramos ang pagbibigay ng cash incentive para sa mga magtatapos na Grade 12 students sa bayan ngayong School Year 2025–2026.
Ayon sa alkalde, makatatanggap ng tig-₱500 ang lahat ng graduating Grade 12 bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap sa pag-aaral. Ipapamahagi ang insentibo sa mismong araw ng graduation ng mga paaralan sa bayan.
Batay sa iskedyul, ipamamahagi ang cash incentive sa Cambalo National High School sa ngayong Lunens kasabay ng kanilang graduation, habang sa Lumbang East National High School naman ay ibibigay ito sa susunod na araw. Para naman sa Cajidiocan National High School at Danao National School, nakatakdang ipamahagi ang insentibo matapos ang kanilang graduation alinsunod sa kahilingan ng mga school principal.
Inihayag din ng lokal na pamahalaan na ipapamahagi matapos ang Holy Week, Abril 6 hanggang 7, ang cash incentives para sa mga mag-aaral na may honors mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Kasabay nito, matatanggap din sa parehong petsa ang insentibo para sa mga atletang nagkamit ng gintong medalya sa Provincial Meet at MIMAROPA Regional Athletic Association Meet.
Ayon kay Ramos, layunin ng programa na kilalanin ang akademikong tagumpay at kahusayan sa larangan ng palakasan ng mga kabataang mula sa Cajidiocan.

































Discussion about this post