Naramdaman ang isang lindol sa kalakhang Romblon bandang 10:33 ng gabi nitong Marso 7.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol na may lakas na magnitude 3.7 na ang sentro ay nasa karagatan malapit sa bayan ng Calatrava, Romblon. Ayon sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdaman ang lindol sa mga bayan ng Calatrava, Odiongan, at iba pang karatig lugar sa lalawigan.
Naitala rin ang Intensity I na pagyanig sa bayan ng Roxas sa Oriental Mindoro, na indikasyon ng bahagyang paggalaw na karaniwang nararamdaman lamang ng iilang tao.
Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa naturang lindol.


































