Pinaigting ng Tourism Promotions Board (TPB) ang kampanya para kilalanin ang MIMAROPA bilang “destination of choice” sa bansa sa pamamagitan ng mga sustainable tourism program na tampok sa 16th Regional Tourism Fair (RTF) sa Palawan.
Sa pagbubukas ng aktibidad, sinabi ni TPB Chief Operating Officer Maria Margarita Montemayor Nograles na patunay ang Palawan na maaaring pagsamahin ang turismo at pangangalaga sa kalikasan, kaya ito ang nagsisilbing pangunahing atraksyon ng rehiyon.
Kasama ring ipinakilala ang iba pang kilalang destinasyon ng MIMAROPA, kabilang ang mga tanawin at produkto ng Romblon. Binida ng lalawigan ang marble industry nito, gayundin ang mga white sand beach at diving sites na nagiging paboritong puntahan ng mga turista.
Nakapag-alok din ng discounted tour packages ang ilang hotels, airlines, at travel agencies, habang iba’t ibang regional tourism offices ang nagpakita ng kani-kanilang pagkain, atraksyon, at produkto. Nagkaroon din ng business-to-business meetings kung saan 67 sellers at 52 buyers ang nagkaroon ng pagkakataong makipag-ugnayan para palawakin ang turismo sa rehiyon.
Layon ng RTF na maipakita ang natatanging kagandahan ng MIMAROPA at mapalakas ang promosyon ng mga lalawigan, kabilang ang Romblon, sa mas malawak na merkado.




































Discussion about this post