May bago nang valid identification card na magagamit ang mga residente ng Calatrava matapos ilunsad ng lokal na pamahalaan ang Calatravanhon ID Card, isang programang layuning mabigyan ng opisyal na pagkakakilanlan ang lahat ng Calatravanhon mula 15 taong gulang pataas.
Ayon kay Mayor Robert Fabella, matagal nang suliranin sa kanilang bayan ang kakulangan ng valid ID ng maraming residente, dahilan para mahirapang mag-avail ng mga serbisyo at tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lalo na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Tuwing may assistance, lagi ang requirement ay government-issued ID. Hindi lahat may ID; kung meron man, national ID pa. Kailangan mo pang tingnan kung taga-Calatrava talaga. Pero sa Calatravanhon Card, alam mo agad na taga-Calatrava siya,” pahayag ni Fabella.
Sinabi ng alkalde na suportado ng isang Municipal Ordinance ang implementasyon ng Calatravanhon ID Card, kaya ito ay valid at tatanggapin sa lahat ng transaksyon sa lokal na pamahalaan.
Inaasahang malaking tulong ang ID system na ito sa pagpapabilis ng aplikasyon para sa iba’t ibang benepisyo at programa, gaya ng mga financial aid, social services, at iba pang tulong na nangangailangan ng valid ID bilang pangunahing requirement.
Sa pamamagitan ng bagong ID, masisiguro rin umano ng LGU ang mas maayos na verification at mas mabilis na pagproseso ng mga serbisyo para sa mga lehitimong residente ng Calatrava.




































Discussion about this post