Ganap nang bagyo ang low pressure area sa silangan ng Eastern Visayas (labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR) at inaasahang papangalanang “Opong” pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o gabi, Setyembre 23.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and. Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng maramdaman sa Romblon at iba pang bahagi ng MIMAROPA ang epekto ng bagyo hanggang sa pagtawid nito sa Southern Luzon.
Sa advisory ng PAGASA ngayong alas-11 ng umaga ng Martes, ang bagyo ay may taglay na lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 km/h, habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.
Inaasahan itong tatawid sa Southern Luzon, kabilang ang MIMAROPA, mula Biyernes hanggang Sabado, bago tuluyang lumabas ng PAR sa Sabado ng gabi.



































