Ipinahayag ni Mayor Aaronn James Madrona na bukas ang lokal na pamahalaan ng San Agustin na magbigay ng tax incentive para sa mga malalaking investor na nais pumasok sa bayan, partikular na tutok sa turismo.
Ayon kay Madrona, layunin ng hakbang na hikayatin ang mas marami pang negosyante na magtayo ng mga proyektong makakatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya at pagbibigay ng trabaho sa mga residente. Layun din ng hakbang na ma protektahan ang mga negosyante na papasukin ang turismo industry.
Kabilang sa mga ipinagmamalaking atraksyon ng San Agustin ay ang diving spots, magagandang mga resort, at hiking activities na unti-unti nang nakikilala sa mga bisita.
Plano rin ng LGU na maglunsad ng tourism tour package na maaring i-avail sa Municipal Tourism Office. Kaugnay nito, isasailalim sa training ang mga tour guide at makikipag-ugnayan din sa mga tricycle driver operators upang makatulong sa programa at magsilbing tour guide na rin.
Sa kasalukuyan, mas napapadali na rin ang pagpunta sa San Agustin dahil mayroon na itong direktang biyahe mula sa mga probinsya ng Quezon.
ERRATUM: Sa isang mensahe, nilinaw ni Mayor Madrona na ang tinutukoy niya na ang planong ibibigay sa mga negosyante na papasok sa kanilang bayan ay tax incentive o tax holiday at hindi ang naunang naiulat na tax amnesty.


































