Timbog ang isang mag live-in partner at isa pang lalaki sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga sa Sitio Kuli-Kuli, Poblacion, noong Linggo ng gabi sa San Agustin, Romblon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang bigla umanong kumabig sa kabilang linya, dahilan upang salubungin siya ng isa pang motorsiklo na minamaneho ni alyas “Kent.” Sa lakas ng banggaan, tumilapon sa kalsada ang dalawang rider at ang angkas na estudyante ni Kent.
Agad silang isinugod sa Don Modesto Formilleza Memorial Hospital, subalit idineklara ang menor de edad na dead on arrival ng mga doktor.
Ayon sa pulisya, parehong walang lisensya ang dalawang rider na sangkot sa aksidente. Patuloy ang imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station sa insidente.


































