Maaari nang magsuplay ng sariling medical oxygen ang Romblon Provincial Hospital (RPH) para sa mga pasyenteng nangangailangan nito, matapos ang mahigit dalawang taong pagkaantala sa paggamit ng kanilang oxygen generator.
Ayon sa Romblon Provincial Information Office, naantala ang operasyon ng pasilidad dahil sa kakulangan ng sapat na kuryente — partikular ang kinakailangang transformer na magkokonekta sa RPH at sa Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).
Ngayon na ito ay fully operational, kayang punuin ng generator ang hanggang 50 tangke ng oxygen kada araw, na inaasahang magpapababa ng gastusin sa pagbili ng oxygen mula sa labas.
Bukod sa pagtitipid, magbibigay rin ito ng mas episyenteng serbisyo para sa mga pasyente ng ospital.



































