Inaprubahan na ng Provincial Development Council (PDC) ng Romblon ang Annual Development Plan (ADP) para sa 2026 na nagkakahalaga ng ₱329,228,787, kung saan pangunahing prayoridad ang rehabilitasyon ng mga provincial roads, pagpapalakas ng agrikultura, at pagsuporta sa mga proyektong pangkabuhayan.
Sa ginanap na pagpupulong nitong July 31 sa Quezon City, inilahad ng PDC na malaking bahagi ng pondo ay mapupunta sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga provincial roads at access roads sa lahat ng bayan sa lalawigan.
Sa larangan ng serbisyong panlipunan, ipatatayo ang ₱5 milyong Bahay Pag-asa para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) sa Odiongan. Itatayo rin ang Romblon Agriculture and Fisheries Extension Center (ROMAFEC) sa Calatrava na may pondong ₱3 milyon, at susuportahan ang Romblon Breeding Station sa San Andres at San Agustin Breeding Center para sa livestock improvement. Sa Sibuyan Island, nakalaan ang ₱1.5 milyon para sa livelihood training ng mga indigenous peoples.
Bibili rin ng dalawang dump trucks (₱12 milyon), backhoe loader (₱6 milyon), at iba pang heavy equipment para sa pagpapatuloy ng mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan. Dagdag pa rito, may pondong inilaan para sa coastal resource management gaya ng mangrove rehabilitation, Smart Water Quality Monitoring, at pagtatayo ng guard house para sa mga mining inspectors.
Kasama rin sa ADP ang pondo para sa pagbili ng dalawang dump trucks (₱12 milyon), isang brand-new backhoe loader (₱6 milyon), at iba pang kagamitan upang suportahan ang mga proyekto sa imprastruktura ng lalawigan. Sa larangan naman ng coastal protection, nakalaan ang pondo para sa mangrove rehabilitation, Smart Water Quality Monitoring, at pagtatayo ng guard house para sa mining inspectors.
Pinangunahan ni Governor Trina Firmalo-Fabic at Congressman Eleandro Jesus Madrona ang deliberasyon ng plano, kasama ang mga alkalde ng 17 bayan at mga kinatawan ng civil society organizations.
Ang ADP ay ang 20% Development Fund na nagmumula sa National Tax Allotment (NTA) ng lalawigan, alinsunod sa Local Government Code, at isusumite na sa Sangguniang Panlalawigan para sa pinal na pag-apruba.
































