Nanawagan ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) Diocese of Romblon and Mindoros sa publiko na iboto lamang ang mga kandidatong may paninindigan laban sa pagmimina sa darating na halalan sa 2025.
Sa opisyal na pahayag ng simbahan na inilathala sa kanilang social media page, iginiit ng IFI ang kahalagahan ng pagpili ng mga lider na may takot sa Diyos, may integridad, may malasakit sa kalikasan, at tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina sa lalawigan.
“Panindigan natin ang mag-aangat at magpapaunlad sa atin,” ayon sa kanilang paalala.
Hinihikayat din ng simbahan ang mga botante na huwag magpabuyo sa vote buying at maging mapanuri sa pagpili ng mga kandidato.
Ang panawagang ito ay bahagi ng kampanya ng IFI para sa isang malinis at mapayapang halalan, kasabay ng paglulunsad nila ng “Vote for Dignity” campaign.
Discussion about this post