Hinuli ng mga operatiba ng Odiongan Municipal Police Station ang tatlong magkakabarangay matapos silang maaktuhang nagsusugal sa larong tong-its.
Ang mga nahuli ay pawang mga residente ng Sitio Malipayan, Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakuha mula sa mga suspek ang baraha at perang ginagamit umano sa sugal.
ADVERTISEMENT
Agad silang inaresto at dinala sa presinto. Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, na may kaugnayan sa ilegal na pagsusugal.
Discussion about this post