Arestado sa isang anti-illegal drug buy-bust operation ang isang konsehal ng bayan ng Corcuera, Simara Island, matapos mabilhan di umano ng iligal na droga sa labas ng Odiongan Port sa Barangay Poctoy, nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 2:43 AM, isang undercover operative ang bumili ng hinihinalang shabu mula sa suspek sa halagang ₱4,000. Matapos ang transaksyon, agad siyang inaresto ng mga operatiba.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Odiongan Municipal Police Station ang konsehal habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Wala pang pahayag ang suspek tungkol sa insidente.