Isang 27-anyos na rider ang nasawi matapos masangkot sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Tulay, Odiongan noong Linggo ng gabi, February 02.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas R, residente ng Barangay Panique. Sugatan naman ang kanyang angkas na si alyas M at isa pang estudyanteng si si alyas B.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, lumabas sa linya ang motorsiklong minamaneho ni alyas M2, 49, dahilan ng pagsalpok nito sa kasalubong na sasakyan ni Bantang.
Nabatid na walang suot na helmet ang mga sakay ng dalawang motorsiklo. Lumilitaw rin sa imbestigasyon ng pulisya na nakainom si alyas M2 bago ang aksidente.
Agad na isinugod sa ospital ang tatlong sugatan, subalit idineklarang dead on arrival si alyas R. Samantala, si alyas M2, ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, and damage to property.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.



































