Niyanig ng Magnitude 2.4 na lindol ang bayan ng Odiongan, Romblon kaninang madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 8 kilometro timog-silangan ng Odiongan.
Sa kabila ng pagyanig, walang naitalang pinsala sa ari-arian o impraktura sa bayan, ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Tiniyak din ng mga awtoridad na patuloy silang nagmo-monitor sa sitwasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Ang lindol ay naramdaman ng ilang residente, ngunit hindi naman ito nagdulot ng malawakang pag-aalala.
Discussion about this post