Isang lalaki ang naaresto sa isang operasyon laban sa ilegal na droga na isinagawa ng mga pulis sa Odiongan, Romblon noong gabi ng Martes, Pebrero 4.
Kinilala ang suspek na si Anthony Gonzalvo, na nahuli matapos di umanong makabili ang mga operatiba mula sa kanya ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang nasa ₱3,000 ang halaga ng nakumpiskang droga.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa karagdagang pagsusuri.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post