Isang magnitude 2.4 na lindol ang niyanig ang ilang bahagi ng Tablas Island, Romblon, nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay matatagpuan sa layong 9 kilometro timog-kanluran ng San Agustin, Romblon.
Tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol, ayon sa Phivolcs.
ADVERTISEMENT
Bagama’t naramdaman ang pagyanig, wala namang naiulat na pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang insidente.